
Mahirap makita ang umaga
Bago pa man maalis ang muta ng iba
Yun bang alam mo na ang mangyayari
Kahit pa ang iba’y itinatanggi
Nalalala ko sa sawadi
Sa kumpulan merong sinabi
“pag lumapit ako, gugulo
Maghihiwa-hiwalay parang nakakita ng multo”
Sa pagtagni tagni ng dokumento
Nakita kong merong hindi totoo
Kailangang malaman ang kwento
sa likod ng pagtaas ng sweldo
Matatapos ang taon walang mangyayari
Dahil tanggap naman ng marami
Ibibigay din ang umento basta manalangin tayo
Eh mas malakas manalangin ang hin-di, ay talo.
Sa paglalaro sa pagdiriwang
Sa hulaan lumalaban
Sino ang lalabas sa pintuan at taguan
Probabilidad ba o kulam?
Bakit heto ngayon ang tema?
Dahil sa litrato masasawata
Sabay ang petsa kahit hindi ko nakita
Dahil abala sa tula at pagpintura
Nakikiangkas ba o nakakasagap
Ng hangin mula sa ulap
Malakas ba ang hinagap
O pareho lang ng utak?
--Madam Rosa
(on weather forecasting)
0 comments:
Post a Comment